simple girl with a simple dream :) → ako si Yeng...: Gasolina.. (tula)
STOP ADDICTION!!
Nalalapit na ang pinakaaasam kong BAKASYON. Dahil sa masyado ako na-stressed at sumakit ng maraming beses ang aking ulo dahil sa mga gawaing pang-eskwelahan nitong nakalipas na semestre. At dahil madaming gawaing pangpaaralan, lagi din akong puyat. Puyat ako di dahil sa kung ano pa man, puyat ako dahil nag-adik ako sa pagtutok sa monitor ng desktop , halos abutin na ako ng umaga sa harapan nun.:) wala namang bago sa ginagawa ko gabi-gabi. wala lang TRIP ko lang mag-internet magdamag. Kung anu-anong site na ang aking nabisita, at marami na din akong articles na nabasa, videos na napanuod, nakitang pictures, nafollow sa twitter, nafollow at nablog/reblog sa tumblr, nalike sa facebook. Naitry ko na din ang google+, blogger at marami pang iba. So ayun, ngayong bakasyon, napagdesisyunan ko na limitahan ang oras ng aking pag-aadik sa PC at sa internet. Dahil ang aking halos 2 buwan na bakasyon ay gusto kong maging masaya, no boring moments. Kaya naisipan ko na lulubus-lubusin ko ang mga panahon na yun. (s**t parang namamaalam lang ako) I’ll going to spend my vacation with my family and also I’ll spend it with my friends. (ayyyy! saya nun! na-eexcite na tuloy ako.) At isa pang dahilan, mag-aaral na muna ako mag-gitara. hahah! tagal na sakin nung gitara ko at hanggang ngayon di pa din ako natututo, kasi di ko pinagtyagaan pag-aaral dati, pero ngayon go! fight! learn! ang peg ko. :) Sayang panahon eh, sayang din yung gitara, nasisira na sa pahiraman :) :) minsan nalang ako mag-oonline. hahaha! :) bye addiction! ——-»> CON GARROVILLAS
"
“Prayer should be the Key in the Morning, And The Lock at night!!”
ayyy! MABUHAY! nasa mga kamay ko pa din ang aking celpon :) » ito ang simula ng istorya… Noong Sabado (March 10, 2012) pumunta ako sa SM North Edsa para makipagkita at makipagbonding sa aking mga bagong kaibigan. ;) »simula ng kaganapan… Gabi na kami umuwi at dahil ako lang ang taga-Teresa sa kanila, umuwi ako mag-isa (syempre) MRT-Cubao, then sumakay ako jeep-Cogeo, kasi naman yung barker pinasakay kagad ako, e iikot pa nga yung jeep. 4 lang kami pasahero nung jeep. e bumaba yung 3, edi mag-isa nalang ako. pag-ikot nung jeep medyo traffic, kaya nilabas ko cp ko mula sa bag at binisita ang mga mensahe, (dami na nagtext, kaya nagreply ako ng isa.) hawak ko na yun cp ko, nagulat ako may biglang HUMAWAK at HUMATAK sa cp ko, (well thanks to my jelly case) nagulat ako kaya napasigaw ako ng “aaahhh” tumingin yung kundoktor at driver sakin at biglang binitawan nung snatcher yung cp tsaka sya tumakbo. Ayyy! dahil kinabahan ako lumipat ako ng pwesto. pumunta ako sa may likod ng driver at tinago ko na ulit sa bag cp ko. :) Nagmamadali bumaba yung kundoktor at tinanong sa mga tao sa likod kung nakita kung sino yun, at yun na! —- yan lang yun… di ko lang makalimutan dahil 1st time ko :) at 1st time ko din magbyahe ng gabi from Cubao na mag-isa ako. ayun! nadala… pero nakauwi ako ligtas at maayos. eto!! hawak ko pa din CP ko. thanks God!, di mo ko pinapabayaan. I LOVE YOU!!! |